𝐒𝐮𝐬𝐭𝐚𝐢𝐧𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐋𝐢𝐯𝐞𝐥𝐢𝐡𝐨𝐨𝐝 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 (𝐒𝐋𝐏) 𝐀𝐬𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐦𝐛𝐥𝐲 | 𝐃𝐞𝐜𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟓 | 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀 𝐁𝐮𝐢𝐥𝐝𝐢𝐧𝐠






"Sulong Kabuhayan, tungo sa pagyabong!". Ang layunin ng programang ito ay palakasin ang kaalaman at kakayahan ng bawat kasapi ng ating komunidad.
Pinangunahan ito nina Kkg. Brigido A. Villena, Kkg. Eloisa Angela D. Portugal, at Saangguniang Bayan na patuloy na sumusuporta sa mga programang nagbibigay pag-asa at oportunidad sa bawat Tayseño.
Naghatid naman ng Program Overview at Orientation sa SLP Sustainability Plan si Ms. Erica Joy D. Morales (Project Development Officer II – SLP Batangas), kung saan tinalakay ang mahahalagang tungkulin at responsibilidad upang mas maging matatag at masustenable ang mga hanapbuhay.
Tampok din ang Awarding of Certificates para sa mga Top Performing SLP Associations mula sa iba’t ibang barangay—bilang pagkilala sa kanilang sipag, tiyaga, at patuloy na pag-unlad.
Sama-sama, patuloy tayong susulong tungo sa mas maunlad na kabuhayan para sa bawat pamilyang Tayseño. 
#GarantisadongSerbisyo
#GarantisadongAsenso
#DiyosAngSandiganTapatSaBayan
#BagongTaysan

Post a Comment

0 Comments