Isinagawa ang Program Implementation Review para sa ating masisipag na Barangay Health Workers (BHWs) at Barangay Nutrition Scholars (BNS) sa pagdalo ni Atty. Kriselle Balmes-Quintua, Municipal Administrator, bilang kinatawan ng ating butihing Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa bawat barangay. Kasabay nito ang masayang Pamaskong Handog, palitan ng regalo, at raffle na nagbigay saya at pagkakaisa sa lahat ng dumalo.
Isang munting selebrasyon upang kilalanin ang walang humpay na malasakit at dedikasyon ng ating mga frontline partners para sa kalusugan ng bawat TayseΓ±o.
#GarantisadongSerbisyo
#GarantisadongAsenso
#DiyosAngSandiganTapatSaBayan
#BagongTaysan
0 Comments