Isinagawa ngayong araw sa Taysan Municipal Gymnasium ang Local Pension Payout para sa mga Senior Citizens mula sa iba’t ibang barangay ng bayan ng Taysan.
Sa nasabing aktibidad, personal na dumalo at nagbigay ng mensahe ang ating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Eloisa Angela D. Portugal, at ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan—bilang pagpapakita ng kanilang buong suporta at malasakit sa kapakanan ng ating mga nakatatanda.
Patunay ito ng patuloy na Garantisadong Serbisyo ng Pamahalaang Bayan ng Taysan para sa bawat Tayseño.
#GarantisaDONGserbisyo
#GarantisaDONGasenso
#BagongTaysan
0 Comments