Sama-sama nating ipagdiwang ang Kultura, Kasaysayan, at Pagkakaisa ng Lalawigan ng Batangas! Dinaluhan ni Kgg. Mayor Brigido A. Villena ang Banal na Misa bilang espiritwal na panimula ng makulay na selebrasyon.
Kasunod nito, pormal na inilunsad ang Matatag na Batangas Award (MBA-VSR)—parangal para sa mga LGU na nangunguna sa tapat, makabago, at inklusibong pamamahala tungo sa isang mas matatag at mas masiglang Batangas.
Binuksan din ang Provincial Trade Fair sa J.P. Laurel Highway kung saan tampok ang iba’t ibang produkto mula sa bawat bayan. Hinihikayat namin ang lahat na suportahan at bisitahin ang booth ng Municipality of Taysan!
#GarantisadongSerbisyo
#GarantisadongAsenso
#DiyosAngSandiganTapatSaBayan
#BagongTaysan
0 Comments