Patuloy ang paghahatid ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) para sa ating mga kababayang Tayseño na nangangailangan ng agarang suporta at kalinga. Layunin ng programang ito na magbigay-tulong sa mga pamilyang dumaranas ng pangangailangang pinansyal.
Dumalo sa programa si Atty. Kriselle Balmes-Quintua, Municipal Administrator, bilang kinatawan ng ating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, upang personal na kamustahin, pakinggan, at ipaabot ang kanyang di-matatawarang suporta sa ating mga benepisyaryo. Ang programang ito ay isang malinaw na patunay ng tapat, bukás-palad, at pusong paglilingkod para sa kapakanan ng bawat Tayseño.
#GarantisadongSerbisyo
#GarantisadongAsenso
#DiyosAngSandiganTapatSaBayan
#BagongTaysan
0 Comments