Bilang pagpapatuloy ng diwa ng Kapaskuhan at pagkilala sa mahalagang papel ng ating mga nakatatanda, matagumpay na isinagawa ang “Pamaskong Handog para sa Barangay Senior Citizen Officers.”
Sa naturang programa, buong pagmamahal na ipinaabot ni Atty. Kriselle Balmes-Quintua, Municipal Administrator, ang mensahe at malasakit ng ating butihing Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena. Sa pamamagitan ng Pamaskong Handog na ito, muling pinagtibay ng Pamahalaang Bayan ang patuloy na pagpapahalaga, paggalang, at pagkilala sa ating mga huwarang Senior Citizen Officers.
Isang taos-pusong pagbati ng Maligayang Pasko sa ating mga Senior Officers! Nawa’y magsilbing simbolo ng pasasalamat, pagmamahal, at pagkilala ang bawat munting handog para sa inyong patuloy na paglilingkod, karunungan, at inspirasyong ibinabahagi sa ating bayan.
#GarantisadongSerbisyo
#GarantisadongAsenso
#DiyosAngSandiganTapatSaBayan
#BagongTaysan
0 Comments