Isinagawa kahapon ang kauna-unahang Executive Briefing on Strategic Planning 2026 sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, na may temang “Embracing the Dynamic Nature, Leveraging Emerging Opportunities: Agile, Resilient, and Proactive Governance.”
Nilahukan ito ng mga Local Government Officials, Department Heads/Sub-Offices/Office Designates/Focal Persons, Bids and Awards Committee (BAC) at Technical Working Group (TWG), gayundin ng mga kinatawan mula sa National Offices.
Layunin ng pagtitipong ito na pagtibayin ang iisang direksyon sa pagpaplano at pamamahala, palakasin ang koordinasyon at pagkakaisa ng mga tanggapan, at matiyak ang maayos at epektibong pagpapatupad ng mga programa at serbisyo para sa kapakanan ng bawat Tayseño.
#GarantisadongSerbisyo
#GarantisadongAsenso
#DiyosAngSandiganTapatSaBayan
#BagongTaysan
0 Comments