January 30, 2026
Pormal nang pinasinayaan ang bagong Covered Court ng Barangay Pinagbayanan ngayong ika-30 ng Enero 2026 sa pangunguna ng Punong Barangay ng Brgy. Pinagbayanan, Kgg. Huberto Villena.
Dumalo ang ating Municipal Administrator, Atty. Kriselle Balmes-Quintua, bilang kinatawan ng ating butihing Punong Bayan Kgg. Brigido A. Villena, at naghatid ng mensahe ng pasasalamat kina Cong. Caloy Bolilia at Congw. Lianda Bolilia sa kanilang mahalagang suporta upang maisakatuparan ang proyektong ito.
Nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Eloisa Angela D. Portugal; Konsehal Dave Batarao; Sec. Alyza Mendoza, bilang kinatawan ni Marcus Mendoza; Bokal Melvin Vidal at Brgy. Officials and Functionaries ng Brgy. Pinagbayanan.
Sa diwa ng pagkakaisa at sama-samang pagsisikap, patuloy nating isinusulong ang isang mas maayos, mas matatag, at mas progresibong Bagong Taysan.
#GarantisadongSerbisyo
#GarantisadongAsenso
#DiyosAngSandiganTapatSaBayan
#BagongTaysan
0 Comments