𝐆𝐚𝐫𝐚𝐧𝐭𝐢𝐬𝐚𝐃𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐤𝐨






Sa pagpapatibay ng isang makatao at transparent na pamahalaan, patuloy na binubuksan ng ating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, ang pinto ng munisipyo para sa lahat sa pamamagitan ng aktibong pakikipagdayalogo at pakikinig sa tinig ng mamamayan.

Ngayong araw, dumalo rin ang ating Punong Bayan sa isang pagpupulong kasama ang mga Punong Barangay, kung saan tinalakay ang mahahalagang usapin sa bawat barangay—mula sa mga kinahaharap na hamon hanggang sa mga panukalang solusyon. Layunin nitong higit na mapalakas ang koordinasyon at maihatid ang episiyente, makatarungan, at makabuluhang serbisyo sa mamamayan.

Ito ang tunay na diwa ng pamumunong may malasakit: nakikinig sa mga lider, kumikilos nang may pagkakaisa, at inuuna ang kapakanan ng buong bayan.

#GarantisadongSerbisyo

#GarantisadongAsenso

#DiyosAngSandiganTapatSaBayan

#BagongTaysan

Post a Comment

0 Comments