Isinagawa ang Ground Breaking Ceremony ng Rosario District Hospital ngayong araw, ika-12 ng Enero 2026, bilang hudyat ng pagsisimula ng pagtatayo ng pasilidad na magpapalakas sa serbisyong pangkalusugan.
Dumalo ang ating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, kasama ang ating Municipal Administrator, Atty. Kriselle Balmes-Quintua bilang pagpapakita ng buong suporta ng Pamahalaang Bayan ng Taysan sa mga programang naglalayong maghatid ng mas maayos, episyente, at dekalidad na serbisyong medikal para sa mamamayan.
#GarantisadongSerbisyo
#GarantisadongAsenso
#DiyosAngSandiganTapatSaBayan
#BagongTaysan
0 Comments