𝗖𝗲𝗿𝗲𝗺𝗼𝗻𝗶𝗮𝗹 𝗦𝗶𝗴𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗮𝗻𝗱𝘂𝗺 𝗼𝗳 𝗔𝗴𝗿𝗲𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗗𝗲𝗰𝗹𝗮𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗦𝘁𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝗹 𝗣𝗲𝗮𝗰𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗲𝗰𝘂𝗿𝗶𝘁𝘆 (𝗦𝗜𝗣𝗦) | 02.23.26






Isinagawa ngayong araw ang Ceremonial Signing of the Memorandum of Agreement on the Declaration of Stable Internal Peace and Security (SIPS) bilang mahalagang hakbang sa pagpapatibay ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa Bayan ng Taysan.
Pinangunahan ito ng ating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, bilang Chairperson ng Municipal Peace and Order Council (MPOC), na binigyang-diin na ang kapayapaan ang pundasyon ng kaunlaran at ligtas na pamumuhay ng mga mamamayang Tayseño.
Dumalo ang mga kinatawan mula sa 59ᵗʰ Infantry Battalion, 2ID, PA; 202ⁿᵈ Infantry Brigade, PA; 16ᵗʰ Infantry Battalion, 2ID, PA; Batangas Police Provincial Office; DILG Batangas Province, mga Punong Barangay at Sangguniang Kabataan ng labindalawang barangay, gayundin ang mga department heads at kawani ng Pamahalaang Bayan. Bilang pagpapakita ng sama-samang pananagutan, nilagdaan din ng mga dumalo ang Pledge of Commitment para sa patuloy na pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Nilagdaan ang MOA sa presensya nina Municipal Mayor Brigido A. Villena, MPOC Chairperson; PLTCOL Dwight F Fonte Jr., Deputy Provincial Director for Operations, bilang kinatawan ni PCOL Marlon V Rufo, Provincial Director ng Batangas PPO; LTC Jonel G Martinez, INF (GSC) PA, Commanding Officer ng 59ᵗʰ Infantry Battalion, 2ID; Municipal Vice Mayor Eloisa Angela D. Portugal; LGOO VI Victoria Amor M. San Gabriel, MLGOO ng DILG Taysan; PMAJ Moh Nasser Jibrael M Baiddin, OIC-Chief of Police ng Taysan MPS; BGEN Ernest John C Jadloc, Commander ng 202ⁿᵈ Infantry Brigade, PA; Hon. Mark Anthony B. Arcega, Committee on Peace and Order; Hon. Leopoldo G. Perez, Liga ng mga Barangay President; at Hon. Mark Jaylord S. Gutierrez, Sangguniang Kabataan Federation President.
Ang aktibidad na ito ay patunay ng matibay na koordinasyon, pagkakaisa, at sama-samang adhikain ng iba’t ibang sektor upang mapanatili ang isang mapayapa, maayos, at maunlad na Bayan ng Taysan.

Post a Comment

0 Comments