𝐄𝐧𝐭𝐫𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐂𝐨𝐧𝐟𝐞𝐫𝐞𝐧𝐜𝐞 | 𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 10, 2026






Matagumpay din na naisagawa ngayong Pebrero 10, 2026, ganap na 1:00 PM, ang Entrance Conference kasama ang lahat ng Department Heads at ang Commission on Audit para sa Financial and Compliance Audit sa mga accounts at accountabilities ng Pamahalaang Bayan ng Taysan para sa taong nagwakas noong Disyembre 31, 2025. 
Pinangunahan ang pagpupulong ng butihing Mayor Brigido A. Villena, Vice Mayor Eloisa Angela D. Portugal, Municipal Administrator, Atty. Kriselle S. Balmes-Quintua kasama ang Audit Team na binubuo nina Ms. Lorraine Mae B. Ilagan (Audit Team Member), Ms. Jessa Mae G. Pasia (OIC – Audit Team Leader), at Atty. Patricia Maita D. Cabaña (OIC – Supervising Auditor). 
Layunin ng pagpupulong na tiyaking may malinaw, maayos, at tapat ang pamamahala sa pondo ng bayan tungo sa patuloy na mahusay na paglilingkod para sa bayan ng Taysan.

Post a Comment

0 Comments