Ang Pamahalaang Bayan ng Taysan ay taos-pusong nakikiramay sa pagpanaw ng dating Pangalawang Punong Bayan Marianito G. Perez.
Siya ay naglaan ng mahahalagang taon ng paglilingkod sa ating bayan — 9 na taon bilang Miyembro ng Sangguniang Bayan at 6 na taon bilang Pangalawang Punong Bayan — na may pagmamahal, dedikasyon, at tunay na malasakit sa mamamayan.
Ang kanyang mga ambag sa serbisyo publiko ay mananatiling alaala sa ating bayan.
Nawa’y bigyan ng lakas at kapanatagan ng Poong Maykapal ang kanyang naiwang pamilya at mga mahal sa buhay sa panahong ito ng pagdadalamhati.
Maraming salamat sa iyong tapat na paglilingkod.
0 Comments