Hatid ng Pamahalaang Bayan ng Taysan, katuwang ang Social Security System (SSS) Batangas, matagumpay na isinagawa ngayong Pebrero 12, 2026 ang Serbisyong SSS—isang proyektong nagbigay-daan para mas mapadali at mailapit sa mga TayseΓ±o ang mahahalagang serbisyo ng SSS.
Maraming residente ang nakinabang sa iba’t ibang transaksyon tulad ng pag-update ng contact information, pagpapalit ng SS number, pagdaragdag ng dependents, aplikasyon para sa loan, at pag-claim ng kanilang mga benepisyo.
Sa masigasig na pakikipag-ugnayan at patuloy na pagtutok ng ating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, ay posible ang serbisyong ito na tunay na naglilingkod para sa kapakinabangan ng mamamayan.
Manatiling nakaabang para sa mga susunod pang iskedyul ng Serbisyong SSS sa ating bayan!
0 Comments