𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐏𝐮𝐬𝐨❤️







Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, isang taos-pusong handog ng pasasalamat at pag-aalaga ang ipinahatid ng ating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena gayundin ang kanyang may bahay Mayora Mariel Villena para sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan. Sa simpleng pagbibigay ng mga bulaklak at tsokolate, ipinapaabot ang isang mahalagang paalala: ang bawat araw ng kanilang tapat na paglilingkod ay isang gawaing puno ng puso.
Sa bawat ngiting namayani ngayong araw, muling pinagtibay na ang tunay na pag-ibig ay nasusukat hindi lang sa salita, kundi sa malasakit at pagkilalang ibinibigay sa mga lingkod-bayan at mamamayan na walang sawang kumakalinga sa sambayanang Tayseño.
Isang mapagmahal na Puso para sa mga naglilingkod nang buong puso.

Post a Comment

0 Comments