Bilang buong suporta, personal na bumisita ang ating butihing Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, sa isinasagawang Basic Incident Command System (BICS) Training na ginaganap sa Taysan Training Center, Poblacion West, Taysan, Batangas, katuwang ang PDRRMO Batangas at Office of Civil Defense (OCD) Region IV-A CALABARZON.
Layunin nitong higit pang paigtingin ang kahandaan, koordinasyon, at kakayahan ng ating mga frontline responders upang matiyak ang mas mabilis at mas organisadong pagtugon sa panahon ng sakuna.
Sama-sama sa isang bayang mas ligtas, mas handa, at mas matatag para sa kaligtasan ng bawat mamamayang Tayseño.
0 Comments