Flag Raising Ceremony








Isinagawa ngayong umaga ang Flag Raising Ceremony sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, kasama ang mga Sangguniang Bayan, Department Heads, mga Kawani ng Pamahalaan, at National Offices.
Kasabay nito, nagbigay ng mensahe si Ms. Jeanette L. Veyra, Registration Officer mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), bilang bahagi ng pagdiriwang ng Civil Registration Month ngayong Pebrero.
Binigyang-diin sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng Civil Registration and Vital Statistics (CRVS) sa pagtatatag ng legal na pagkakakilanlan, pagsusulong ng inklusibong pamamahala, at pagsuporta sa epektibong pagpaplano at paghahatid ng serbisyong panlipunan sa lokal na antas.
Kaugnay nito, buong suporta ang Pamahalaang Bayan sa mga adhikain ng PSA sa pagpapalakas ng civil registration system bilang mahalagang pundasyon ng maayos at inklusibong serbisyo para sa bawat mamamayan.

Post a Comment

0 Comments