Matagumpay na naisagawa kahapon ang Backyard Camping Activity ng Boy Scouts at Girl Scouts ng Panghayaan Elementary School na naglalayong hasain ang disiplina, pagtutulungan, at kahandaan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang sitwasyon.
Inimbitahan sa nasabing gawain ang ating butihing Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena bilang panauhing pandangal. Bilang kanyang kinatawan, dumalo ang kanyang Executive Assistant, Ms. Ghadly Z. Arpia, upang ipaabot ang kanyang buong suporta sa mga kalahok at sa pamunuan ng paaralan.
Sa pagdalo ng kinatawan ng Punong Bayan, naiparating din ng paaralan ang ilang kahilingan para sa patuloy na pagpapaunlad ng kanilang mga pasilidad, na siya namang buong pusong ipinaabot sa tanggapan ng Punong Bayan para sa kaukulang aksyon.
Patunay ang gawaing ito sa matibay na ugnayan ng paaralan at lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng kapakanan at kinabukasan ng kabataan.
0 Comments