MUNICIPAL WOMEN’S COORDINATING COUNCIL (MWCC) MEETING | Pebrero 10, 2026





Matagumpay na idinaos ang pagpupulong ng Municipal Women’s Coordinating Council (MWCC) na dinaluhan ng ating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Eloisa Angela D. Portugal, at Committee Chairperson on Women, Children and Family, Kgg. Nelson Macaraig.
Pinangunahan ang pagpupulong ni Ms. Lea D. Atteo ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), kung saan tinalakay ang mga programa at inisyatibo para sa kapakanan ng mga kababaihan. Bilang bahagi ng pagpapalakas ng organisasyon, isinagawa rin ang paghahalal ng mga bagong opisyal, kung saan nahalal bilang Pangulo ng MWCC ang may bahay ng ating Punong Bayan, Mayora Mariel Villena.
Ang pagpupulong na ito ay sumasalamin sa patuloy na adhikain ng pamahalaang lokal na mapahusay ang mga programa at serbisyo para sa kababaihan at sa buong komunidad.

Post a Comment

0 Comments