𝗔𝗣𝗥𝗨𝗕𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔 | 𝗢𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗜𝗻𝘀𝗲𝗻𝘁𝗶𝗯𝗼 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗧𝗮𝘆𝘀𝗲ñ𝗼 𝗻𝗮 𝗠𝗮𝘆 𝗡𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗛𝘂𝘀𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀, 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝗶𝗰𝘀, 𝗮𝘁 𝗞𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮.






Aprubado na sa Ikatlong Pagbasa ang ordinansang may titulong:

Ordinance No. 2026-001

“AN ORDINANCE INSTITUTIONALIZING THE GRANT OF CASH INCENTIVES TO OUTSTANDING INDIVIDUALS, PAIRS OR GROUPS FROM TAYSAN, INCLUDING THEIR MENTORS OR COACHES, WHO EXCELLED IN THE FIELDS OF SPORTS, ACADEMICS, AND CULTURAL COMPETITION, PROVIDING GUIDELINES AND APPROPRIATING FUNDS THEREFOR”

Ang ordinansang ito ay hindi lamang naglalayong magbigay ng insentibong pinansyal sa mga natatanging Tayseño, kundi isang malinaw na pahayag na ang Bayan ng Taysan ay kumikilala, nagpapahalaga, at sumusuporta sa talento, pagsusumikap, at husay ng bawat mamamayan. Sa pamamagitan nito, higit pang mahihikayat ang kabataan at ang buong komunidad na magsikap, magpakaigi, at buong dangal na irepresenta ang sarili at ang kanilang bayan sa iba’t ibang larangan ng kompetisyon.

Sa pangunguna ng may akda ng ordinansa na si SK Federation President Kgg. Mark Jaylord Gutierrez, katuwang ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan at sa patuloy na suporta at gabay ng Punong Bayan Mayor Dong Villena, naging ganap at naisabatas ang isang makabuluhan at pangmatagalang hakbang para sa pagkilala sa kahusayan at karangalan ng mga Tayseño.

Para sa karangalan ng bayan. Para sa inspirasyon ng susunod na henerasyon.

Post a Comment

0 Comments