Muling nagpaabot ng buong suporta ang ating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, sa pamamagitan ng pagdalo ng kanyang Executive Assistant na si Ms. Ghadly Z. Arpia sa Scouts Investiture Ceremony ng Taysan Central School ngayong araw.
Ang kanyang presensya ay sumisimbolo sa patuloy na pakikiisa ng Pamahalaang Bayan sa mga programang pangkabataan na naglalayong hubugin ang disiplina at pagtutulungan. Patunay lamang ito na nananatiling katuwang ng lokal na pamahalaan ang mga paaralan sa paglinang ng susunod na henerasyon ng mga responsableng mamamayan.
0 Comments