𝗣𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗻𝗶𝗴 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗶𝗹𝗼𝘀: 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻








𝗣𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗻𝗶𝗴 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗶𝗹𝗼𝘀: 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻 | March 02, 2026
Malugod na tinanggap ni Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena sa kanyang tanggapan ang mga mamamayang dumulog upang ilahad ang kanilang mga kahilingan, suliranin, mungkahi, at maging ang mga personal na paghingi ng tulong.
Sa bawat pakikinig at agarang pagtugon, ipinapakita ng ating Punong Bayan ang isang pamumunong may malasakit, bukas sa mamamayan, at handang umalalay sa oras ng pangangailangan.
Sa patuloy na pakikipag-ugnayan at pagtutulungan, sama-sama nating isinusulong ang mas maayos, maunlad, at inklusibong pamayanan.

Post a Comment

0 Comments