Ngayong araw ay pormal na inilunsad sa Bayan ng Taysan ang pagdiriwang ng National Women’s Month sa pamamagitan ng isang makabuluhang Advocacy Parade, na sinundan ng masiglang Zumba Activity na may temang “WE for Gender Equality and Inclusive Society.”
Layunin ng gawaing ito na palakasin ang kamalayan ng komunidad hinggil sa kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng kasarian at ang pagtataguyod ng isang lipunang inklusibo para sa lahat.
Ipinakita ng ating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, kasama ang kanyang maybahay na si Mayora Mariel Villena, Pangulo ng Municipal Women Coordinating Council (MWCC), ang kanilang buong suporta sa nasabing aktibidad sa pamamagitan ng kanilang pagdalo. Ito ay patunay ng patuloy na paninindigan ng Pamahalaang Bayan ng Taysan sa pagsusulong ng karapatan, dignidad, at kapakanan ng kababaihan.
Ang matagumpay na pagsasakatuparan ng gawaing ito ay naging posible sa pangunguna ng ating MSWDO, Mam Lea D. Atteo, katuwang ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan.
Sama-sama nating itaguyod ang isang lipunang may pagkakapantay-pantay, paggalang, at oportunidad para sa lahat. 💜
0 Comments