Simula ngayong Lunes, March 9, 2026, ipatutupad ng Pamahalaang Bayan ng Taysan ang 4-Day Work Schedule para sa mga opisina ng lokal na pamahalaan.
Ito ay alinsunod sa Executive Order No. 02, s. 2026, bilang tugon sa Memorandum Circular No. 114 na inilabas ng Office of the President, bilang suporta sa energy conservation efforts o pagtitipid sa enerhiya.
Walang transaksyon tuwing Biyernes sa mga opisina ng Pamahalaang Bayan ng Taysan.
Samantala, hindi kabilang sa bagong iskedyul ang mga opisina na may kinalaman sa disaster response, social services, at health services, o ang mga essential personnel, upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng mahahalagang serbisyo sa publiko. . Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa.
0 Comments