𝐋𝐞𝐚𝐠𝐮𝐞 𝐨𝐟 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬 (𝐋𝐌𝐏) 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐦𝐛𝐥𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟔
Sa aktibong pamumuno ni Kgg. Brigido A. Villena, patuloy ang kanyang pakikiisa sa makabuluhang pagtitipon na naglalayong palakasin ang Pamahalaang lokal. Dumalo siya sa 2026 General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) na gaganapin mula March 8–11, 2026.
Sa temang ‘Empowered Municipalities, Stronger Nation: Local Government Code Reform for a Future-Ready Philippines, layunin ng pagtitipong ito na talakayin ang mga iminungkahing reporma sa Local Government Code, pag-isahin ang mga paninindigan ng mga munisipalidad, at makabuo ng isang nagkakaisang deklarasyon tungo sa mas matatag, makabago, at handang kinabukasan para sa mga lokal na pamahalaan.
Ang pakikilahok sa ganitong pagtitipon ay patunay ng patuloy na pagsisikap na mapalakas ang kakayahan ng mga munisipalidad at maisulong ang mga programang magdudulot ng kapakinabangan sa bawat mamamayan.

.jpg)
0 Comments