Civil Registration Service (CRS) Mobile Outlet | March 16, 2026

 



Matagumpay na naisagawa ngayong araw sa Taysan Municipal Gymnasium ang Civil Registration Service (CRS) Mobile Outlet na hatid sa ating mga mamamayan upang ilapit ang mga pangunahing serbisyo ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang programang ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Bayan ng Taysan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, katuwang ang Acting Municipal Civil Registrar na si Ms. Jenelyn Mercado at ang PSA Batangas.

Sa nasabing aktibidad, nabigyan ng pagkakataon ang ating mga kababayan na makapagproseso ng mga mahahalagang dokumento tulad ng:

  • PSA Birth Certificate

  • Marriage Certificate

  • Death Certificate

  • CENOMAR

Layunin ng proyektong ito na maging mas mabilis, madali, at tipid ang mga transaksyon ng mga TayseΓ±o nang hindi na kailangang lumuwas pa ng malayo. Patuloy po ang Pamahalaang Bayan sa paghahatid ng mga programang naglalapit ng serbisyo sa bawat mamamayan.

Post a Comment

0 Comments