Isang masaya at makabuluhang pag-iisang dibdib ang naganap sa ating tanggapan ngayong araw. Pinangunahan ng ating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, ang seremonya ng kasal nina Michael at Rosalinda Manalo.
Saksi ang kanilang pamilya at mga kaibigan, nagpalitan ang dalawa ng kanilang mga panata ng pag-ibig at katapatan. Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ng ating Punong Bayan ang kahalagahan ng pagtutulungan, pag-unawa, at matatag na pundasyon ng pananampalataya sa pagbuo ng isang masaya at matagumpay na pamilya.
Congratulations and best wishes to the newlyweds! Wishing you a lifetime of love, unity, and happiness as you begin this new chapter together.
0 Comments