Isang gabi ng pagkilala at inspirasyon ang naganap kahapon, ika-13 ng Marso 2026, sa pangunguna ng ating PSDS, Dr. Erickson T. Gutierrez. Ang Gawad Taysaneño 2026 ay idinaos bilang pagpupugay sa mga gurong patuloy na nagpapakita ng natatanging galing, dedikasyon, at malasakit sa larangan ng edukasyon sa ating bayan.
Bilang pakikiisa sa mahalagang pagdiriwang na ito, nagbigay ng makahulugang mensahe ang kinatawan ng ating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, sa katauhan ni Municipal Administrator Atty. Kriselle Balmes-Quintua.
Sa kaniyang mensahe, kinilala ni Atty. Kriselle ang napakahalagang papel ng mga guro bilang mga tagapaghubog ng isipan, kakayahan, at kinabukasan ng kabataang Tayseño. Binigyang-diin din niya ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programa ng mga paaralan na naglalayong makapaghatid ng mas maraming oportunidad at benepisyo para sa ating mga mag-aaral.
Isang malaking pasasalamat at pagbati sa lahat ng ating mga awardees! Kayo ang liwanag at inspirasyon ng ating bayan.
0 Comments