Isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos at sapat na suplay ng tubig ang naisakatuparan sa Brgy. Mapulo sa pamamagitan ng proyektong patubig na personal na pinasinayaan ng ating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena.
Matagumpay na naisakatuparan ang proyektong ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng Punong Bayan sa tanggapan ni Governor Vilma Santos-Recto, na nagpaunlak ng tulong sa pagpapahiram ng water well drilling machine. Ang proyektong ito ay bunga ng pagtutulungan upang tugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan para sa malinis at tuloy-tuloy na daloy ng tubig.
Lubos ang aming pasasalamat kay Governor Vilma Santos-Recto sa kaniyang suporta, gayundin kay Provincial Engineer Nerio Ronquillo sa kaniyang gabay upang maiparating ang ating mga kahilingan sa pamahalaang panlalawigan. Nakiisa rin sa aktibidad ang mga opisyales ng Brgy. Mapulo sa pangunguna ni Punong Barangay Melecio I. Comia.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ating Punong Bayan sa ating mahal na Gobernador upang mabigyan pa ng karagdagang tulong ang iba pang barangay na nahihirapan sa suplay ng tubig. Ang tagumpay na ito ay simbolo ng pagkakaisa ng lokal at panlalawigang pamahalaan para sa kapakanan ng bawat mamamayang TayseΓ±o.
0 Comments