SERBISYONG SSS: Handog para sa mga Tayseño

 


Isang matagumpay na paglulunsad ng Serbisyong SSS ang naganap ngayong araw sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Taysan at ng Social Security System (SSS) Batangas. Sa ilalim ng inisyatibo ni Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, naging mas malapit at accessible ang mga serbisyo ng SSS para sa ating mga kababayan.

Maraming Tayseño ang dumagsa sa Mayor's Office Lobby Hall upang maisagawa ang iba't ibang transaksyon gaya ng:

  • Pag-update ng contact information.

  • Pagpapalit o pagkuha ng SS number.

  • Pagdaragdag ng dependents.

  • Aplikasyon para sa loan at pag-claim ng mga benepisyo.

Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na ihatid ang mahahalagang serbisyo ng gobyerno nang direkta sa ating komunidad. Manatiling nakasubaybay para sa mga susunod pang schedule ng Serbisyong SSS sa ating bayan!

Post a Comment

0 Comments